Nariyan Siya.

Akala mo walang nagmamahal sayo.

Akala mo ikaw lang ang nag-iisa sa mundo.

Nagkakamali ka.

Maraming nag iisp nang ganyan,

Ba’t di mo subukang ipikit ang mata.

Buksan ang isipan.

Hindi ka nya iiwan

Hindi ka nag-iisa.

Wala mang sagot na naririnig

mula sa kanya

Hindi mo man sya nakikita

Hanapin at nasa puso mo ang kasagutan

Ang tama ay magwawagi sa katotohanan.

Hindi mo man siya nakikita

Nariyan syang kasama mo.

Ang kwento ni Mimay

Matagl-tagal narin buhat nang maghiwalay si Mimay at Buboy. Hindi narin nila alam kung anong nangyayari sa bawat isa. Pagkatapos nilang maghiwalay, parang hindi na sila magkakilala.

Medyo limot narin ni Mimay ang nakaraan nila ngunit di parin nya maiwasang manghinayang. Sa tuwing, nakikita nya at napupuntahan ang mga lugar kung saan sila madalas magkasama, napapaisip sya na kung hindi lang sana sya naging makasarili, siguro sila parin ni Buboy hanggang ngayon. Ngunit huli narin naman na sa kanila ang lahat dahil mukhang nakalimutan narin sya ng binata.

Marami nang lalake ang dumating sa buhay ni Mimay. Napaibig sya ng mga ito ngunit hanggang panandalian lamang. Natatakot kasi sya na baka ganon ulit ang mangyari. Ang tanging pinanghahawakan nya na lang para maging masaya sya ay ang mga taong nasa paligid nya.

Isang araw, nagkayayaan ang magkakaibigang magsalu-salo sa bahay nila Gina upang ipagdiwang ang pagkapanalo nila sa banda. Kinabahan kaagad si Mimay dahil doon mismo nakatira si Buboy. Baka magkita sila.

At ganon na nga lang ang nangyari. Pilit man nyang kausapin si Buboy, walang lumalabas na salita sa bibig nya kanina pa. Dumaan na sa harapan, parang wala lang. Animoy hindi nila nakikita ang isa’t isa.

Dumagdag pa sa sakit ng nararamdaman ng dalaga nang maikwento minsan ni Fe na nagkakamabutihan na sila ni Buboy. Nginitian na lang ito ni Mimay na parang hindi naapektuhan pero sa loob loob nito, halos mamatay sya sa sakit na nararamdaman. Pilit man nyang ipasok sa isip na tapos na ang namamagitan sa kanilang dalawa, wala paring epekto lalo na’t mukhang tinatalo sya ng kanyang kaibigang si Fe.

Bahrain (New York Times)

Feb. 16

Thousands of protesters poured into this nation’s symbolic center, Pearl Square, in a raucous rally mirroring the unrest convulsing, if not transforming, governments of the Middle East. The crowd grew bolder as it grew larger, and modest concessions from the government seemed only to raise expectations among the protesters.

 

Feb. 17

Hundreds of heavily armed riot police officers rushed into Pearl Square, firing shotguns, tear gas and concussion grenades at the thousands of demonstrators who were sleeping there. At least five people died, and at least 200 were wounded, according to medical personnel. At the main hospital following the violence, thousands gathered screaming, crying and collapsing in grief.

 

Feb. 18

Government forces opened fire on hundreds of mournersmarching toward Pearl Square. A Western official quoted a witness as saying that the shooters were from the military, not the police, indicating a hardening of the government’s stance against those trying to stage a popular revolt. Video: Bahrain: A Diplomatic Puzzle

 

Feb. 19

Thousands of jubilant protesters surged back into Pearl Square,the symbolic heart of Bahrain, after the government withdrew its security forces, calling for calm after days of violent crackdowns. The shift was at least a temporary victory for the Shiite protesters, who had rejected a call to negotiate from Bahrain’s Sunni monarch until the authorities pulled the military off the streets. A review of administration statements shows that American officials overlooked recent complaintsabout human rights abuses in the strategically important kingdom.

 

Feb. 20

Teachers, lawyers and engineers again marched into Pearl Square, joining an emboldened opposition whose political leaders demanded that King Hamad Bin Isa al-Khalifa dissolve the government and fire his uncle, who has held the post of prime minister for 40 years, before they agree to enter into talks. The crown prince, Salman bin Hamad al-Khalifa, continued to call for a national dialogue and period of mourning as a step toward reconciliation. But officials with the leading opposition party said that with six people dead, hundreds injured and many still missing, the king would first have to convince them that he was willing to compromise after repeatedly unleashing his security forces on civilians.

 

Feb. 21

The organizers of the Bahrain Grand Prix announced that the Formula One race which was scheduled to run March 13 at the Sakhir circuit, outside the capital, Manama, had been canceled because of the political unrest in the country. Bahrain has held the race since 2004 at a purpose-built circuit about 50 kilometers, or 30 miles, from the capital city. But the majority of the teams, media and foreign spectators stay in hotels in the center of the city, many of them near Pearl Square, which has been the central meeting point of the demonstrations.

 

Feb. 22

More than a hundred thousand protesters poured into Pearl Square in an unbroken stream stretching back for miles along a central highway in the biggest antigovernment demonstration yet seen in this tiny Persian Gulf kingdom. Security forces were nowhere to be seen along the demonstration route. The protesters streaming into the square on Tuesday joined thousands of others who have camped out in order to occupy the area after the military pulled out following a deadly crackdown last week. The sheer size of the gathering was astonishing, and the new arrivals were likely to overflow into the area surrounding the square.

 

Feb. 25

Pro-democracy demonstrations on a scale that appeared to dwarf the largest ever seen in the tiny Persian Gulf nation blocked miles of downtown roads and highways in Manama, overflowing from Pearl Square for the second time in a week. For the first time however, it was the country’s Shiite religious leaders, rather than the political opposition, who called for people to take to the streets. Although some of the chants and symbols had a religious cast, protesters’ demands remained the same, emphasizing a nonsectarian call for democracy and the downfall of the government.

 

Feb. 27

The leader of a banned opposition party, Hassan Mushaima,returned from exile and exhorted a crowd of tens of thousands of antigovernment protesters to continue demonstrating until they achieved a “successful revolution.” Mr. Mushaima, a dissident who has long demanded fundamental changes in what is effectively an absolute monarchy, appeared to be trying to move into a leadership role in the opposition movement.

 

March 4

Thousands of Shiite protesters converged on the state television headquarters outside the capital, Manama, The Associated Press reported. The latest protest came a day after brief clashes between groups of Sunnis and Shiites in the town of Hamad that again highlighted the sectarian divisions that have been driving demonstrations in the tiny Persian Gulf nation.

 

    March 6

    The leaders of Bahrain’s opposition movement said that theywould not be mollified by offers of money and jobs, raising the prospect of a protracted standoff between protesters and the embattled government of this strategically important Persian Gulf island nation.

     

    March 12

    Defense Secretary Robert M. Gates warned this tiny kingdom’s ruling family that “baby steps” toward reform would not be enoughto meet the political and economic grievances sweeping the region. Mr. Gates also cautioned Bahrain’s king and crown prince during two hours of meetings in Manama, Bahrain’s capital, that if the reform process was prolonged, the United States feared that Iran would become involved and create more chaos.

     

    March 13

    Thousands of antigovernment protesters in Bahrain blocked access to the financial district in Manama, the capital, preventing workers from getting to their offices and pushing back police officers who tried to disperse them. It was the most serious challenge to the royal family that rules Bahrain since protests began last month. Witnesses said the police used tear gas and fired on the protesters with rubber bullets.

     

    March 14

    Troops crossed from Saudi Arabia into Bahrain to help quell unrest there, a move Bahraini opposition groups denounced as an “occupation,” while pro-government legislators called for the imposition of martial law. The Iranian government, which has supported the protests led by the Shiite majority, branded the move “unacceptable.”

     

    March 15

    Hours after the king of Bahrain declared a three-month state of emergency, doctors said two protesters had been killed and some 200 wounded and injured in clashes with riot police in the suburban village of Sitra, a stronghold of antigovernment activists six miles south of the capital. The violence contrasted starkly with a large protest in downtown Manama, where more than 10,000 protesters marched peacefully on the Saudi Arabian Embassy to denounce a military intervention by Persian Gulf countries the day before.

 

Ngayon.

Matagal ko nang hinihiling na makaalis sa lugar na ito sa kadahilanang magulo, maraming away, parang di mo na kamag-anak ang nasa paligid mo. Madalas, walang pansinan, walang kibuan. Pero ayokong umabot sa puntong ito.

Kakadala lang sa ospital ng uncle ko. Inatake raw. Hanggang ngayon, hindi pa namin alam ang resulta. Sana okay lang sya.  Halos lahat kami umiiyak. Para raw hindi umabot sa puntong ganito na lahat sila nag kaka ubusan, mabuti pang magwatak-watak na raw sila at ibenta na ang lupang tinitirikan ng mga bahay namin.

Pero, pano na? Saan makakahanap ng titirahan ang bawat pamilya rito. Paano kami magsisimulang magkakaiba nanglandas na tatahakin gayong walang-wala rin kami ngayon.

Lord, Sana po Iligtas nyo ang uncle ko. Sana po maging daan ang mga nangyayaring ito upang buksan ang isipan nang bawat isa sa amin na magbati, mag kaisa at mamuhay nang payapa gayong kami naman ay iisan pamilya.

Suring Pelikula: MAGNIFICO

Sa Direksyon ni :

Maryo J. Delos Reyes

I. Mga Tauhan

• Magnifico a.k.a. Pikoy – Jiro Manio

– Ang bida sa kwento. Isang batang namulat sa kahirapan sa murang edad.

• Edna – Lorna Tolentino

– Ang Ina ni Pikoy na walang trabaho

• Gerry – Albert Martinez

– Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero

• Lola Magda– Gloria Romero

– Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Cancer

• Helen – Isabella De Leon

– Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.

• Miong – Danilo Barrios

– Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng Scholarship

II. Tagpuan

• Lumban, Laguna – Sa kanilang Tahanan

III. Buod

Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si Pikoy. Isang kahid, isang tuka ang kanilang pamilya. Madalas nyang nakikitang nag aaway ang kanyang magulang nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay ang kanyang Lola Magda. Pasan pa nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi makalakad, natanggalan pa ng scholarship ang kanyang kuya.

Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa abot ng makakaya nya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang reklamong narinig sa kanya ang kanyang magulang.

Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at sya ang gumamit ng ginawa nyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang butihing bata sa mga nagawa nya.

IV. Aral

Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.

V. Mga Tanong

A. Ano ang pinapaksa ng pelikula? Ano ang mensaheng dala nito? Maliwanag ba ang tema at matagumpay na napatunayan?

Umiikot ang pelikulang ito sa kamunduhan ng kahirapang natatamasa ng isang ordinaryong tao. Na sa kabila ng patong-patong na problema ay nagagawa parin nilang solusyunan ito sa simpleng paraan at sa abot ng kanilang makakaya. Maliwanag ang daloy nito sa simula hanggang dulo. Pahapyaw din dahil hindi mo aakalaing ganun ang magiging wakas.

B. Makatwiran ba ang balangkas? Wasto ba ang nangyari sa mga particular na tauhan?

Sakto lamang sa kwento ang balangkas o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dahil dito, may naiiwang tanong sa isipan ng bawat manunuod kung anong mga posibleng mangyari na eksena. Isang trahedya ang nag iwan sa kamulatan ng manonood ang sinapit ng bida sa kwento na hindi karaniwang makikita sa ibang pelikula.

C. Ang mga tauhan ba’y kumikilos at may pag uugaling tulad ng karaniwang nakikita? Ito ba’y pawing ikabubuti o nagpapakita rin ng kani-kanilang kahinaan?

Tulad ng isang karaniwang tao, ganun din ang mga tauhan dahil sa makatotohanan nga ang nagaganap sa mga pangyayari. Bawat tauhan ay may kani-kanilang karakter na ginagampanan gayun din ang kanilang papel sa pelikula. Tulad ng isang karaniwang tao, ang bawat-isa ay may kani-kanilang kalakasan at kahinaan.

D. Maayos ba ang dayalogo? Ipinapakita ba sa pamamagitan ng pagsasalita ang kani-kanilang tauhan? Ang pag-uusap ba ay madadala sa kwento upang patuloy na kumilos? O ang pag-uusap ay binababa ngunit walang kinahihinatnan?

Maayos ang pagkakalapat ng bawat salitang kanilang isinasambit. Payak at nadadala nito ang bawat eksena sa kwento. Bawat tauhan ay may kani-kanilang paraan upang ideliber ang mga salita at naaapektuhan nito ang kwento.

E. Buhay ba ang tagpo, panahon at lugar? Nakikita mo ba ang larawan sa iyong pag-iisip? Maliwanag ba ang paglalarawan?

Nakatulong ang tagpo, panahon at lugar upang mailarawan ng maayos ang kwento. Dahil dito nabigyang kahulugan kung anong estado ng buhay meron ang mga tauhan.

F. Bagay ba ang estilo sa balangkas a paksa? Ito ba’y tiyak at maliwanag? Magaan ngunit kawili-wili? O mabigat at masalita? Marami bang tayutay?

Iba’t ibang estilo ang ginamit sa bawat eksena. Naka depende kasi ito sa mga nangyayari sa kwento. Pero ang pinakaginamit ay ang pagiging payak at maliwanag na estilo. Detalyado at naging mahusay ang director sa pagpili at pagsipi sa kung anu-ano ang kinakailangan sa pelikula. Marami ring tayutay ang ginamit upang makadagdag ng kabuluhan sa bawat dayalogo ng mga karakter.

Love.Love.Love

“We had a Right Love at the wrong Time..”

–sobrang hirap pag di ka sigurado sa iyong nararamdaman. nakakagawa ka kasi ng mga desisyon na nadala ka lang sa bilis ng mga pangyayari. pano ba malalaman na mahal mo na ang isang tao kung ang bawat-isa sa kanila ay nagagawang patibukin ang puso mo?
–ang LOVE nga daw ay gumagawa ng paraan para mag exist sa mundo. siguro kahit sabihin mong kakakilala nyo palang e may spark na kagad yun. pero di mu matukoy kung paghanga lang ba ito o nasa puntong iba na talaga.
–minsan kino consider na love ang paghanga, at some point kasi pareho lang nman nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon, yung tipong kinikilig, an lalaki ng mga ngiti na halos mapunit ang mga labi., ang pagkakaiba nga lang eh yung antas ng dalawa. di ba? di ba?
–pero an problema, naguguluhan ang tao dahul di nila alam na love na yon dahil madali silang mag sawa at maghanap ng bago at kakaiba.

–ewan.. . tae na.. . ang gulo ko.. .

Sagip Kapamilya

masarap sa pakiramdam ang tumulong

–”small things occupied big spaces in everyone’s heart”–

ang sarap sa pakiramdam, di maipaliwanag, feeling ko nga pwede na kong mamatay. ( wag naman sana ) kahit na di ganong kalakihan ang naitulong ko, ang laki naman nang naging epekto nito sa buhay ko bilang tao.

marami akong nahawakang kamay, kamay ng mga taong nakuha pang ngumiti at sumakay sa mga biro namin sa kabila ng naranasan nilang sakuna dahil sa bagyong ONDOY.

mga taong bumangon muli, dahil alam nila “LIFE MUST GO ON”.. .

Maramiakong nakitang mukha… mula sa mga batang tumutulo pa ang sipon, lumalamutak ng candi’t lollipop habang hawak-hawak ng kanilang mga ina. mga dalaga’t binatang may mga asawa’t anak na, ang iba pa nga’y buntis at bagong kapapanganak lamang.pero ang di ko makakalimutan sa kanilang hanay ay ang isang batang lalaki na nasa edad 14-16 na nakapila rin, at di umano’y nawalan na ng magulang. di makausap ng maayos, wala sa sarili at mamaga-maga pa ang mga mata. bakas sa kanya ang kalungkutang di maipaliwanag.

ang pinakamaraming pumila ay ang grupo ng mga matatanda. sina nanay at tatay… sina lol at lola na dala-dala pa ang kanilang mga anak at apo. karamihan di’y mga buntis,ang iba’y di na makalakad, ang iba’y may mga sakit.

sa hanay ng mga lalaki, karamiha’y nakahubad, mga walang damit at puro putik ang katawan. sina tatay at lolo pa nga’y mukhang naka inom at amoy alak pa… sabi pa ng isa “di naman masamang uminom…” automatic na dinespensahan ang sarili kahit na wala naman kaming ibig sabihin sa naipahayag naming “tay mukhang naka inum tayo ah”

sari-saring baranggay ang mga nagsidatingan at nakidayo pa ang taga ibang lugar, nagbabakasakaling may matanggap ding biyaya.

maraming nahuli si inspektor na namamantala sa pila, pero marami ring nakalusot.

nang naputol na ang pagbibigay ng relief goods, pag kaawa ang naramdaman kosa mga di naabutan, lalo na ang isang babaeng hawak-hawak ang kanyang anak, mangiyak-ngiyak nang marinig “wala na po, ubos na”

sa huli magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. di ko malilimutan na naging bahagi ako ng pangyayaring ito.

one of the ABS-CBN’s SAGIP KAPAMILYA VOLUNTEER
deployed in SAN MATEO, RIZAL
OCTOBER 1, 2009 at the afternoon.

Ang Bayan Kong PILIPINAS :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kabila ng walang disiplinang tao, korapsyon, ondoy, manila hostage drama, makalat na lugar, mausok na kalsada, maninikil, diskriminasyon, maiingay na kapitbahay, magkakamag-anak na nagbbangayan, mamamatay tao, aksidente, manloloko, mga bastos sa kanto, di nagbabayad ng utang, maguindanao massacre, walang trabaho, malaking populasyon, dengue, mga mapanghusgang tao, batang di makapag aral, adik, mapusok na kabataan, at marami pang iba, natitiyak kong iba parin ang pilipinas.

MAy mga nagmamalasakit parin at pilit na binabaliktad ang imaheng nakatatak na sa iba. Sapagkat nasa pusot isipan nila ang kasabihang “habng may buhay , may pag asa” pag asa para sa pagbabago.

Ngayong tatahak tayo sa panibagong yugto, sa “landas na matuwid”, sanay huwag ang sariling kapakanan lang natin ang isa isip. huwa nating sisihin at ibaling sa nakatataas ang ating mga pagkakamali.

Kailangan tayo ng ating pangulo bilang gabay at hindi bilang kritiko na pumupuna sa bawat desisyon nito. Maaaring ito ang kanyang paraan para sa ikabubuti ng ating bansa. Bansang sabik na masilayang muli ang liwanag.

bakit di natin sya bigyan ng pagkakataon?
kung ang maliit na pamilya ngay mahirap nang patakbuhin,
paano pa kaya ang isang bansa ?

ang tanging magagawa lang natin ay maniwala sa kanyang kakayahan …

Minahal na kita minsan, Pwede bang Ulitin?

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag nagmamahal at minamahal ka.
Di mo maipaliwanag, parang walang katapusang ligaya.

Sabi nga ng ilan, kung masaya ka, lubusin mo na habang andyan pa.
Kahit alam mo man o hindi ang dahilan, bahala na.

Haayyy.. Para ‘kong nasa langit pag naaalala ang mga sandaling yon.
Wala mang salitang narinig mula sa bibig, ang mga tingin at ngiti nama’y sapat na upang maipahayag ang nararamdaman.

Di ko lubos maisip na pagkatapos ng lahat, ganun parin, parang dati.

Nagsisi man noon, ayoko nang pakawalan ang pangalawang pagkakataon ngayon.

Di man ako sanay maghayag ng damdamin, maiparating ko naman kahit pahapyaw lang.
Sana makuha nya ang pinupunto ko.

“MAHAL KO SYA.. dati pa.”

Mas nauna ko pang naramdaman yon kumpara sa kanya. Ngayon, sigurado na ko.
Yun nga lang, di naman natin maiiwasang tanawin ang posibilidad, mga maaaring mangyari.
Andun parin yung TAKOT.

“WAA.. naguguluhan nanaman ako.”

Parang tanga lang kanina, tulala at sya ang nasa isip.
Sa kalagitnaan ng pagsusulat kong to, dumaan nanaman sya sa utak ko, di man lang nagpasintabi.

“Nasan na ba tayo?”

WALA NA

WALA NA

BUSET!

Iba talaga ang nagagawa ng IN-LOVE. Nakakabaliw, imbis na paggawa ng takdang aralin ang inaatupag,
inuna ko pa to. Ayos lang, maganda narin na maipahayag ang lahat habang ramdam mo pa ang paglipad ng puso mo.

“KESO!”

Mula sa LIKOD ng PAHINA ni MEMEYN
Ika-17 ng Nobyembre taong 2010

APORT kondensada :)

 

“May mga bagay talagang hindi inaasahan.
Depende na lang sayo kung tatapusin mo o ipagpapatuloy pa to. “

Nagsimula ang pagkakaibigan namin sa hindi ko malamang dahilan.
Nagkayayaang tumagay, kwentuhan.
Umiikot ang alak pati ang tawanan.

Hindi man namin kilala ng lubos ang bawat isa,
Masaya kaming lahat na para bang matagal nang magkakakilala.

Sa mga sumunod na araw, doon kami tumatag.
Nabawasan, nadagdagan at may nananatili paring solid,
sa samahang bininyagan namin sa pangalang APORT (TROPA).

Akala ko simpleng pagkakaibigan lang tulad noon.
Basta lang laging magkausap, magkasama.
Kumbaga basta kaibigan, kaibigan kita.

Pero iba pala.

Sa kalokohan ng isa, kalokohan ng lahat.

Pag sumabit ka sa poste, tiyak aakyat sila.
Parang tanga lang kung iisipin pero di ka nila ibababa.
Kusa silang sasabit kasama mo.

Simple lang kami.

Walang pera pero may pampautang.
May pang alak pa.
Patak-patak, kung walang pera, eh di wala.
Bawal daw ang pikon. Itawa mo lang din kung ikaw ang gawing pulutan
Kahit lumubog ka pa sa kinatatayuan mo.

Nakakatawa na kahit magkakaiba ang bawat-isa sa amin,
pinag untog-untog parin kami ng kapalaran,

Parang sangkap ng Fruit Salad sa iisang lalagyan.
Matutukoy mo kung alin ang naiiba pero masarap pag pinagsama-sama.
Lalo na pag hinaluan mo ng manamisnamis na kalokohan ng gatas at kondensada 🙂

« Older entries