Archive for TULA :)

Nariyan Siya.

Akala mo walang nagmamahal sayo.

Akala mo ikaw lang ang nag-iisa sa mundo.

Nagkakamali ka.

Maraming nag iisp nang ganyan,

Ba’t di mo subukang ipikit ang mata.

Buksan ang isipan.

Hindi ka nya iiwan

Hindi ka nag-iisa.

Wala mang sagot na naririnig

mula sa kanya

Hindi mo man sya nakikita

Hanapin at nasa puso mo ang kasagutan

Ang tama ay magwawagi sa katotohanan.

Hindi mo man siya nakikita

Nariyan syang kasama mo.

Textmate

nagsimula tayo sa wala
di inaasahang
aabot tayo ng ganito katagal
natatandaan mo ba ?

biruan , tawanan,
iyakan at kabiguan,
pareho natin yang nasubaybayan
sa isa’t isa

biglaan ang lahat
pero nakasabay tayo di ba ?

minahalna kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon alam ko na
di ko inaasahan

ilang taon nrin tayong magkakilala
pero di parin nating magawang magkita
magkaiba man tayo ng mundo
malayo man ako sayo
gusto ko lang malaman mo

minahal na kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon. alam ko na

huli na nga ba ang lahat para sa ating dalawa ?
dahil ako’y nagbabakasakali pa at umaasa
ayos narin siguro sakin ang ganito
kung san mas masaya
dun ako

kung san tayo mas magtatagal
tanggap ko nang magkaibigan lang tayo
pero nais ko lang iparating sayo

minahal na kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon. alam ko na

huli na nga ba ang lahat para sa ating dalawa ?
dahil ako’y nagbabakasakali pa at umaasa

para sa lahat ng mga kaibigan kong lihim kong minahal ng tunay .. .

Hindi naman pero bakit ang gulo?

hindi ko naman sinabing mag-alala ka
pero ginawa mo

hindi naman ako humihingi ng bulaklak
pero binigyan mo ko

hindi mo naman kailangangihatid ako
sa sakayan ng jeep o motorsiklo

hindi naman ako nagpapalibre
pero ibinili mo ko

hindi mo naman kailangang ipagtanggol ako
sa kahit na sino

hindi naman kita pinilit
pero sinabi mong mahal mo ko

hindi rin ako nagpakita
ng kahit anong motibo

pero

hindi ko napigilan ang sarili kong
umibig sayo

hindi ako sigurado pero
mas malaki ang porsyento ng “OO””

hindi ko rin inakalang
magsisimula tayo dito

hindi ko rin naisip na ipagtapat sayo

hindi naman kasi ako mahilig makinig sa iba
pero nagawa kong humingi ng payo

hindi ko man tanggap
pero sinusubukan kong matuto

hindi pala mahirap
magmahal ng buo

hindi ko sinabing hindi masakit
ang magiging bunga nito

hindi ko rin akalaing
matatakot akong sabihin sayo

hindi pala magandang
ilihim ang nararamdaman mo ….

Give Up o Basted?

KUNG KAYA KONG SUNGKITIN ANG MGA BITUIN
PATI ANG BUWAN AT ARAW
IBIBIGAY KO NA

KUNG DI KA PA KUNTENTO
SIGE IBBIGAY KO
PATI PLANETA

NGUNIT PAGHATID , SUNDO LAMANG
ANG KAYA KONG GAWIN
FISHBALL , KIKYAM AT KWEK-KWEK LANG
ANG PALAGI PINAPAKAIN
MASKI PULANG ROSAS
HINDI KO PA KAYANG IBIGAY
KUNDI GUMAMELA , SANTAN AT SAMPAGUITA
O BULAKLAK PA NG PATAY

SANA’Y , MAINTINDIHANMO
NA GANITO LANG ANG KAYA KO
PERO HINDI PA BA SAPAT
ANG GINAGAWA KO PARA SAYO

KUNG ANG LAHAT AY MATATAPOS NG GANITO
AT WALA NA KONG KAYA PANG IPAKITA
HAHAYAAN NA KITA

AT KUNG HINDI MO KAYANG TANGGAPIN
ANG PAGMAMAHAL KO SAYO
SIGE BAHALA KA NA

HINDI MAN KITA MAISAKAY SA MAGARANG SASAKYAN
O MALIBRE MAN LANG SA MAMAHALING RESTAURANT
MABIGYAN NG SANG DOSENANG BULAKLAK
LAHAT GAGAWIN KO PERO

SANAY PINAG ISIPAN MO MUNA ANG LAHAT
SANAY PINAKINGGAN MO MUNA ANG MGA SINABI KO
SANAY HINDI MO MUNA TINAPOS ITO
DAHIL MARAMI PA AKONG KAYANG IPAKITA
DAHIL SA PAGMAMAHAL SAYO ….

Love, Infatuation or Rebound?

KUNG NASAKTAN KA
AT MAY NATITIRA PANG PAGMAMAHAL SA KANYA
HUWAG MONG IBALING SA IBA
ANG PAGMAMAHAL NA YON

HAYAAN MO MUNANG MAUBOS
AT TSAKA KANA MAG-IPONG MULI
PARA SA IBA

MAHIRAP ANG UMASA AT MAGPAASA NG TAO
PERO MAS LALONG MAHIRAP AT MASAKIT
ANG MAGING PANAKIP BUTAS

HAYAAN MONG KUSA KANG MATUTO
KAHIT NA MAIKSI LANG ANG BUHAY
MABILIS LANG ANG ORAS
ANG LAHAT AY HINDI MINAMADALI
ITOY PINAGIISIPAN AT PINAKIKIRAMDAMAN

Mahal Kita

ang dami kong gustong sabihin
ngunit natatakot ako
na baka pagkatapos kong umamin
bigla ka lang iiwas ..

ayoko naman madaliin ang lahat
dahil nadadaan to sa paghihintay
pero naisip ko rin na
walang halaga ang paghihintay
kung walang gumagawa ng paraan

mahal kita
eh ako ba mahal mo ?
mahal kita
nakakatawa pero totoo
mahal kita
kahit ang bilis basta nasabi ko
mahal kita
kung ayawmong maniwala di wag mo…

PAKYU! haahha 😀
di pa tapos

Siguro

siguro
hindi ko nasasabi
ang dapat mong malaman

siguro
di ko nagagawa
ang dapat kong iparamdam

siguro madalas
kitang nababalewala

pasensya na
pasensya ka na

siguro lagi kang nalulungkot
siguro lagi kang tulala
siguro lagi kang umiiyak

pasensya na
pasensya ka na

pero sanay malaman mo
lagi kang nasa isip ko
lagi kang nasa puso ko

siguro ngay
di ako karapat-dapat
sa iyo

ngunit kung bibigyan
mo pa ng pagkakataon
itutuwid ko
maging ang bukas

pasensya na
pasensya ka na

nagkulang ako
pero mahal kitang
talaga

Wala Na

nagising ako
wala ka na
ni di lam
kung san nagpunta

kahapon lang
kasama ka
anong sayang
nadarama

ano ba ang problema
hindi sanay na mag-isa

di ko mawari
ano bang nangyari
kung kailan pa
sobrang mahal ka na

di ko maisip
laging napapanaginip
ang iyong mukha
naglahong parang bula

ano ba ang problema
nasanay akong naryan ka
meron na bang iba
wala na ba kong halaga
sayo..

di ko mawari
ano bang nangyari
kung kailan pa
sobrang mahal ka na

(maibabalik ba..)

di ko maisip
laging napapanaginip
ang iyong mukha
naglahong parang bula

sabihin mo sakin sinta
kung talagang wala na
pag-asa sating
dalawa..

Nakakahawang Kalungkutan

Anu ba’t bakit ang muka’y ganyan?
Nakasimangot.
Di mawari kung bakit
Laging malungkot

Di naman manghuhula
Para hulaan.
Sabihin mo sakin
Pwede bang malaman?

Ang kalungkutan pala’y
Nakakahawa.
Parang sakit
Nakakahawa

Walang sagot akong nakuha
Kundi isang titig
Sa mga mata
Ang tanong ay BAKIT?

Isang Kurap
Isang Sulyap
Isang Kisap
Isang Yakap

Ang kalungkutan pala’y
Nakakahawa.
Parang sakit
Nakakahawa

Anu ba’t bakit ang muka’y ganyan?
Nakasimangot.
Di mawari kung bakit
Laging malungkot

Dahil Kay Bamboo

Ang lungkot ng panahon
sumasabay ang langit
pati ang ulan

madilim
di ko matanaw ang liwanag ng araw
pati ng buwan

blanko.
daig ko pa ang bulag na piniringan.

Malalim.
ang iniisip koy
tila balong
umaapaw sa kawalan ..

to be continued ..

« Previous entries