Archive for March 6, 2011

Love.Love.Love

“We had a Right Love at the wrong Time..”

–sobrang hirap pag di ka sigurado sa iyong nararamdaman. nakakagawa ka kasi ng mga desisyon na nadala ka lang sa bilis ng mga pangyayari. pano ba malalaman na mahal mo na ang isang tao kung ang bawat-isa sa kanila ay nagagawang patibukin ang puso mo?
–ang LOVE nga daw ay gumagawa ng paraan para mag exist sa mundo. siguro kahit sabihin mong kakakilala nyo palang e may spark na kagad yun. pero di mu matukoy kung paghanga lang ba ito o nasa puntong iba na talaga.
–minsan kino consider na love ang paghanga, at some point kasi pareho lang nman nararamdaman sa mga ganitong sitwasyon, yung tipong kinikilig, an lalaki ng mga ngiti na halos mapunit ang mga labi., ang pagkakaiba nga lang eh yung antas ng dalawa. di ba? di ba?
–pero an problema, naguguluhan ang tao dahul di nila alam na love na yon dahil madali silang mag sawa at maghanap ng bago at kakaiba.

–ewan.. . tae na.. . ang gulo ko.. .

Sagip Kapamilya

masarap sa pakiramdam ang tumulong

–”small things occupied big spaces in everyone’s heart”–

ang sarap sa pakiramdam, di maipaliwanag, feeling ko nga pwede na kong mamatay. ( wag naman sana ) kahit na di ganong kalakihan ang naitulong ko, ang laki naman nang naging epekto nito sa buhay ko bilang tao.

marami akong nahawakang kamay, kamay ng mga taong nakuha pang ngumiti at sumakay sa mga biro namin sa kabila ng naranasan nilang sakuna dahil sa bagyong ONDOY.

mga taong bumangon muli, dahil alam nila “LIFE MUST GO ON”.. .

Maramiakong nakitang mukha… mula sa mga batang tumutulo pa ang sipon, lumalamutak ng candi’t lollipop habang hawak-hawak ng kanilang mga ina. mga dalaga’t binatang may mga asawa’t anak na, ang iba pa nga’y buntis at bagong kapapanganak lamang.pero ang di ko makakalimutan sa kanilang hanay ay ang isang batang lalaki na nasa edad 14-16 na nakapila rin, at di umano’y nawalan na ng magulang. di makausap ng maayos, wala sa sarili at mamaga-maga pa ang mga mata. bakas sa kanya ang kalungkutang di maipaliwanag.

ang pinakamaraming pumila ay ang grupo ng mga matatanda. sina nanay at tatay… sina lol at lola na dala-dala pa ang kanilang mga anak at apo. karamihan di’y mga buntis,ang iba’y di na makalakad, ang iba’y may mga sakit.

sa hanay ng mga lalaki, karamiha’y nakahubad, mga walang damit at puro putik ang katawan. sina tatay at lolo pa nga’y mukhang naka inom at amoy alak pa… sabi pa ng isa “di naman masamang uminom…” automatic na dinespensahan ang sarili kahit na wala naman kaming ibig sabihin sa naipahayag naming “tay mukhang naka inum tayo ah”

sari-saring baranggay ang mga nagsidatingan at nakidayo pa ang taga ibang lugar, nagbabakasakaling may matanggap ding biyaya.

maraming nahuli si inspektor na namamantala sa pila, pero marami ring nakalusot.

nang naputol na ang pagbibigay ng relief goods, pag kaawa ang naramdaman kosa mga di naabutan, lalo na ang isang babaeng hawak-hawak ang kanyang anak, mangiyak-ngiyak nang marinig “wala na po, ubos na”

sa huli magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ko. di ko malilimutan na naging bahagi ako ng pangyayaring ito.

one of the ABS-CBN’s SAGIP KAPAMILYA VOLUNTEER
deployed in SAN MATEO, RIZAL
OCTOBER 1, 2009 at the afternoon.

Ang Bayan Kong PILIPINAS :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa kabila ng walang disiplinang tao, korapsyon, ondoy, manila hostage drama, makalat na lugar, mausok na kalsada, maninikil, diskriminasyon, maiingay na kapitbahay, magkakamag-anak na nagbbangayan, mamamatay tao, aksidente, manloloko, mga bastos sa kanto, di nagbabayad ng utang, maguindanao massacre, walang trabaho, malaking populasyon, dengue, mga mapanghusgang tao, batang di makapag aral, adik, mapusok na kabataan, at marami pang iba, natitiyak kong iba parin ang pilipinas.

MAy mga nagmamalasakit parin at pilit na binabaliktad ang imaheng nakatatak na sa iba. Sapagkat nasa pusot isipan nila ang kasabihang “habng may buhay , may pag asa” pag asa para sa pagbabago.

Ngayong tatahak tayo sa panibagong yugto, sa “landas na matuwid”, sanay huwag ang sariling kapakanan lang natin ang isa isip. huwa nating sisihin at ibaling sa nakatataas ang ating mga pagkakamali.

Kailangan tayo ng ating pangulo bilang gabay at hindi bilang kritiko na pumupuna sa bawat desisyon nito. Maaaring ito ang kanyang paraan para sa ikabubuti ng ating bansa. Bansang sabik na masilayang muli ang liwanag.

bakit di natin sya bigyan ng pagkakataon?
kung ang maliit na pamilya ngay mahirap nang patakbuhin,
paano pa kaya ang isang bansa ?

ang tanging magagawa lang natin ay maniwala sa kanyang kakayahan …

Minahal na kita minsan, Pwede bang Ulitin?

Ang sarap talaga sa pakiramdam pag nagmamahal at minamahal ka.
Di mo maipaliwanag, parang walang katapusang ligaya.

Sabi nga ng ilan, kung masaya ka, lubusin mo na habang andyan pa.
Kahit alam mo man o hindi ang dahilan, bahala na.

Haayyy.. Para ‘kong nasa langit pag naaalala ang mga sandaling yon.
Wala mang salitang narinig mula sa bibig, ang mga tingin at ngiti nama’y sapat na upang maipahayag ang nararamdaman.

Di ko lubos maisip na pagkatapos ng lahat, ganun parin, parang dati.

Nagsisi man noon, ayoko nang pakawalan ang pangalawang pagkakataon ngayon.

Di man ako sanay maghayag ng damdamin, maiparating ko naman kahit pahapyaw lang.
Sana makuha nya ang pinupunto ko.

“MAHAL KO SYA.. dati pa.”

Mas nauna ko pang naramdaman yon kumpara sa kanya. Ngayon, sigurado na ko.
Yun nga lang, di naman natin maiiwasang tanawin ang posibilidad, mga maaaring mangyari.
Andun parin yung TAKOT.

“WAA.. naguguluhan nanaman ako.”

Parang tanga lang kanina, tulala at sya ang nasa isip.
Sa kalagitnaan ng pagsusulat kong to, dumaan nanaman sya sa utak ko, di man lang nagpasintabi.

“Nasan na ba tayo?”

WALA NA

WALA NA

BUSET!

Iba talaga ang nagagawa ng IN-LOVE. Nakakabaliw, imbis na paggawa ng takdang aralin ang inaatupag,
inuna ko pa to. Ayos lang, maganda narin na maipahayag ang lahat habang ramdam mo pa ang paglipad ng puso mo.

“KESO!”

Mula sa LIKOD ng PAHINA ni MEMEYN
Ika-17 ng Nobyembre taong 2010

APORT kondensada :)

 

“May mga bagay talagang hindi inaasahan.
Depende na lang sayo kung tatapusin mo o ipagpapatuloy pa to. “

Nagsimula ang pagkakaibigan namin sa hindi ko malamang dahilan.
Nagkayayaang tumagay, kwentuhan.
Umiikot ang alak pati ang tawanan.

Hindi man namin kilala ng lubos ang bawat isa,
Masaya kaming lahat na para bang matagal nang magkakakilala.

Sa mga sumunod na araw, doon kami tumatag.
Nabawasan, nadagdagan at may nananatili paring solid,
sa samahang bininyagan namin sa pangalang APORT (TROPA).

Akala ko simpleng pagkakaibigan lang tulad noon.
Basta lang laging magkausap, magkasama.
Kumbaga basta kaibigan, kaibigan kita.

Pero iba pala.

Sa kalokohan ng isa, kalokohan ng lahat.

Pag sumabit ka sa poste, tiyak aakyat sila.
Parang tanga lang kung iisipin pero di ka nila ibababa.
Kusa silang sasabit kasama mo.

Simple lang kami.

Walang pera pero may pampautang.
May pang alak pa.
Patak-patak, kung walang pera, eh di wala.
Bawal daw ang pikon. Itawa mo lang din kung ikaw ang gawing pulutan
Kahit lumubog ka pa sa kinatatayuan mo.

Nakakatawa na kahit magkakaiba ang bawat-isa sa amin,
pinag untog-untog parin kami ng kapalaran,

Parang sangkap ng Fruit Salad sa iisang lalagyan.
Matutukoy mo kung alin ang naiiba pero masarap pag pinagsama-sama.
Lalo na pag hinaluan mo ng manamisnamis na kalokohan ng gatas at kondensada 🙂

On the Spot

yeah ! subukan ko lang gumawa ng on the spot .. charot !
heto ako ngayon .. nakaupo
gumagawa ng wala ..
pangalawang araw nang pagka bagot ko sa fb ..
pinagsawaan ko na yata lahat ..
ang mag post sa mabuhay ang mga patay cult ng vampire freaks..
mag laro ng mga games sa fb ..
mag status ng sang katerbang ka ututan sa buhay
mag type ng mga obra sa multiply ..
at marami pang iba ..
ang di ko lang ata maiwan iwan iwan
eh ang makinig sa mga pa ulit ulit na kanta sa youtube ..
nawawala na nga ko sa uso
di ko alam ang latest songs haha ..
pero ayos lang ..
iba iba naman tayo ng trip ..
at eto ang trip ko ..
type lang ng type kung anong maisip ..
wala nang papalag ..
walang pakelamanan ng ginagawa ..
gawin mo ang sayo
at gagawin ko naman ang akin..
nakaka miss din palang gumawa ng mga ganto ..
dati sa scratch paper lang ako nagsusulat sabay type pero ngayon,
on the spot na ..
WOW ! nag level-up na ko haha charot !
pinangarap ko rin kayang maging parte sa mundo ng pagsusulat sa dyaryo ..
kaso tinamad ako nung highschool ..
biro mo wala nang pasok, marami paring trabaho?
wala namang sweldo haha
nitong college .. siguro nitong nakaraang buwan lang ..
namigay ng dyaryo ang technozette ..
fights naman pero sa isip ko
mas magaling pako dito mag drawing eh.
haha .. grabe bilib ko sa sarili ko
pero syempre, sa isip lang yon.
gusto ko rin sumulat ..
mag post ng mga tula , kwento, mga kalaliman ng isip ko pag lumilipad..
para may maiba naman sa buhay-estudyante ko.
kanina lang may namigay ulit ng dyaryo.
sa college naman namin
kaso inagaw sakin yung kopya ko .
yaan mo na , pinatawad ko na sya haha.
yun nanaman sumagi sa isip ko.
mas magaling ako dito haha.
parang gusto ko talagang sumali pero nag aalinlangan ako sa mga gagawin ?
ewan ..
tamad din kasi ako ..
mamatay na hindi tinamad sa buong buhay nya !
bigyan mo nga ko ng pampalakas ng loob ..

Dedicated to Kenneth :)

Si Kenneth-ang ex-boyfriend ko. Naka 2 months lang kami. Naging masaya ako sa kanya pero nilamon ako ng pagiging makasarili kaya di kami nagtagal.

Gusto ko pa lang sya nung ginawa ko ito. Friend pa lang kami non.

Ang Date ng Monthsary namin. Hindi nga to official kasi walang naganap na pagtatanong kung kami na ba at hindi rin ako sumagot ng “OO”. Akala ko nga 18 kami haha 🙂

Letter to galing sa bestfriend kong si Tintoy. Yung mga panahon na yan nagkakalabuan na kami ni Kenneth.

Ginawa ko ito nung magkahiwalay na kami. Masyado kong dinibdib ang pagkawala nya sakin gayong ako naman ang may kasalanan.

Paglalahad ng Saloobin

bakit may mga tao tayong nakikilala.

di man natin gustuhin, dumarating na lang sila nang biglaan.

sabi sa quotes na nabasa ko kanina mula sa isang kaibigan,

“kung pipiliin mong lang lumayo sa isang tao matapos ang lahat, sana noon pa lang hindi mo na sinubukang maging parte ng buhay nya.”

mabilis ang mga pangyayari at di ko namamalayang umabot na ko sa puntong ito. Nakakatawa pero sa totoo lang, ilang beses na. Kaya nga natatakot na kong maging parte ng buhay ng iba dahil baka maulit lang lahat.

Magpapakilala, direktang sasabihin kung anong pakay sayo. At sa bilis ng mga pangyayari,wala ka mang kasiguraduhan, para ka lang sumubo ng mainit na kanin sa sobrang gutom kaso bigla mong iluluwa dahil mainit. Aabot sa puntong nagsawa ka na rin kagad.

Magulo. Napaka gulo. Hindi ko nga alam kung sino pang makaiintindi sa sitwasyon ko. Ang tao lang namang makaiintindi sayo ay yung taong gumagawa rin ng ginagawa mo. Pero meron kayang tulad nito?

Hindi ko masasabing Play Girl ang tawag sakin. Madali lang akong mahulog sa mga taong nagpapakita nang pagpapahalaga sakin. Yun nga lang, andun yung pagtataka kung ito ba ay dahil sa nadala lang ako sa mga pangyayari o ito bay pagmamahal na?

Sabi ko sa sarili ko, sa susunod hindi na ulit mangyayari to pero ngayon, andito nanaman ako. Kung iisipin, hindi ko naman kailangang dibdibin to. Sabi nang ilan, sumabay na lang daw ako sa agos . pero sa pagsabay kong ito, di ko namamalayang niloloko ko lang ang sarili ko pati ang iba.

Hindi ko namang gustong lumayo sa kanila. kaso yun naman ang dapat dahil masasaktan ko lang sila lalo.

Textmate

nagsimula tayo sa wala
di inaasahang
aabot tayo ng ganito katagal
natatandaan mo ba ?

biruan , tawanan,
iyakan at kabiguan,
pareho natin yang nasubaybayan
sa isa’t isa

biglaan ang lahat
pero nakasabay tayo di ba ?

minahalna kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon alam ko na
di ko inaasahan

ilang taon nrin tayong magkakilala
pero di parin nating magawang magkita
magkaiba man tayo ng mundo
malayo man ako sayo
gusto ko lang malaman mo

minahal na kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon. alam ko na

huli na nga ba ang lahat para sa ating dalawa ?
dahil ako’y nagbabakasakali pa at umaasa
ayos narin siguro sakin ang ganito
kung san mas masaya
dun ako

kung san tayo mas magtatagal
tanggap ko nang magkaibigan lang tayo
pero nais ko lang iparating sayo

minahal na kita simula pa nung una
siguro ako’y naguluhan lang
pero ngayon. alam ko na

huli na nga ba ang lahat para sa ating dalawa ?
dahil ako’y nagbabakasakali pa at umaasa

para sa lahat ng mga kaibigan kong lihim kong minahal ng tunay .. .

Hindi naman pero bakit ang gulo?

hindi ko naman sinabing mag-alala ka
pero ginawa mo

hindi naman ako humihingi ng bulaklak
pero binigyan mo ko

hindi mo naman kailangangihatid ako
sa sakayan ng jeep o motorsiklo

hindi naman ako nagpapalibre
pero ibinili mo ko

hindi mo naman kailangang ipagtanggol ako
sa kahit na sino

hindi naman kita pinilit
pero sinabi mong mahal mo ko

hindi rin ako nagpakita
ng kahit anong motibo

pero

hindi ko napigilan ang sarili kong
umibig sayo

hindi ako sigurado pero
mas malaki ang porsyento ng “OO””

hindi ko rin inakalang
magsisimula tayo dito

hindi ko rin naisip na ipagtapat sayo

hindi naman kasi ako mahilig makinig sa iba
pero nagawa kong humingi ng payo

hindi ko man tanggap
pero sinusubukan kong matuto

hindi pala mahirap
magmahal ng buo

hindi ko sinabing hindi masakit
ang magiging bunga nito

hindi ko rin akalaing
matatakot akong sabihin sayo

hindi pala magandang
ilihim ang nararamdaman mo ….

« Previous entries